Sunday, April 26, 2009

MAGKANO IBINENTA ANG BANSA?

MAGKANO IBINENTA ANG BANSA?

Ang Pilipino’y likas na mangangalakal
Hindi ba’t si Marikudo
ang nagpasimula ng barter trade?
Ipinagpalit ang pulo ng Panay
sa isang gintong salakot…

Ang negosyo ay katulad din ng sugal—
may panalo, may pagkatalo,
pakinabang at pagkalugi
lalo’t kung ikaw ay hindi tuso—
hindi ka marunong mandaya,
hindi matamis ang iyong dila
na ang bulok ay nagagawang sariwa.

Malas siguro tayong negosyante—
ang ekonomiya’y hindi mapaunlad
gayong nabaon tayo sa utang…
naibenta natin ang dangal,
ang katawan, ang kaluluwa
at pati ang bukas ng henerasyon
na hindi pa isinisilang.

—Bienvenido A. Ramos

No comments:

Post a Comment

Ikinalulugod ang mga komentong inyong nais ipahatid!