Sunday, April 26, 2009

Inang Pilipinas, Sonata

Inang Pilipinas, Sonata

Bienvenido A. Ramos

May isang pulubing palaboy sa daan,

Hilig magpalimos sa mga dayuhan;

Balita, siya raw ay dating mayaman

Naghirap sapagkat may tusong luminlang;

Sa maraming anak, sawing kapalaran

Pagka’t nagsilaking mga sakim, hangal—

Ang natipon niya’t inumit, nilustay

Kaya naghihikahos, nabaon sa utang;

Inang namulubi’t namalimos na lang—

Hingi dito’t doon, utang doo’t diyan;

Pag-uwi sa gabing gutom at lupaypay

Mga anak niya ay nagbabangayan

Agawan sa perang pinagpalimusan—

Kanya-kanyang tago, kanya-kanyang nakaw!

No comments:

Post a Comment

Ikinalulugod ang mga komentong inyong nais ipahatid!