Kasarian, Silakbo, at Kapangyarihan sa mga Kuwento ni Bienvenido A. Ramos
(Inilathala noong Hulyo 23, 2008 ni Roberto AƱonuevo)
Hindi na mabubura sa mga pahina ng panitikang Filipino ang pangalang Bienvenido A. Ramos, at may kaugnayan ito sa kaniyang mga kuwentong pumapaksa sa kasarian, silakbo, at kapangyarihan na pawang nalathala sa Liwayway at iba pang magasing komersiyal.
Madidilim ang mga kuwento ni Ramos, ngunit ang gayong pangyayari’y nagkukubli lamang sa pagtatanggol ng puri, pagbawi ng dangal, at pagbangon mula sa pandurusta at kahirapan. Walang pangingimi ang mga kuwento sa paglalantad ng mga realistikong tagpo hinggil sa sex, na inuurirat ang gahasa, ang panggigipit na seksuwal, ang prostitusyon, ang walang direksiyong kalibugan, ang paggamit sa sex bilang instrumento ng kapangyarihan o pagbalikwas, o kaya’y ang pamumutol ng uten—sa punto de bista ng babae o lalaking tumitingin sa papel ng babae.
"May kutob akong ang mga kuwentong binanggit ko rito ang isasama ni Mang Ben sa kaniyang bagong koleksiyon, at ilalathala ng isang tanyag na publikasyon sa Lungsod Quezon. Maganap nawa ito, at nang muling mabasa ng madla ang silakbo ng sining ng Bienvenido A. Ramos, na isa sa mga bantayog ng panitikang popular sa Filipinas magpahangga ngayon."
sundan ang kanyang buong artikulo sa:
http://dakilapinoy.wordpress.com/2008/07/23/kasarian-silakbo-at-kapangyarihan-sa-mga-kuwento-ni-bienvenido-a-ramos/
Ako'y taos pusong nagpapasalamat sa mga magandang komentaryong nailalathala sa internet at babasahin. Maraming salamat!

No comments:
Post a Comment
Ikinalulugod ang mga komentong inyong nais ipahatid!