Friday, June 22, 2012
Bienvenido A. Ramos (1934-2012) †
UNANG kinilala si Bienvenido A. Ramos bilang makata at manunulat sa Filipino at Ingles, nasa unang taon pa lamang siya sa Bulacan High School (Marcelo H. del Pilar National High School ngayon) nang siya ang magwagi ng dalawang unang gantimpala sa timpalak-panitik na inilunsad ng paaralan kaugnay ng pagdiriwang sa “ Araw ni Balagtas” (Abril 2, 1947). Nasa second year si BAR nang nagsimula siyang magsulat ng mga tulang nangalathala sa mga pambangsang magasin, tulad ng “Liwayway”, “Ilang-Ilang”, “Bulaklak”, at iba pa. Noon nabunsod ang isang mabunga, namumukod na “writing career”, na tinampukan ng kawing ng panalo sa mga timpalak-panitik sa iba-ibang sangay ng Panitikang Pilipino. Noong 1979 ay iginawad sa kanya ang titulong “Poet Laureate”—sa magkakasamang pagtataguyod ng Makata Inkorporada, Surian ng Wikang Pambansa at National Press Club of the Philippines.
Isinilang si Bienvenido A. Ramos noong Enero 15, 1934 sa sitio Apugan, Atlag, Malolos, Bulacan – mula sa pag-asawahang Dominador L. Ramos, isang mangingisda, at Modesta Avendano. May pambihirang likas na talino, nakakabasa na ng Tagalog si BAR bago pa man siya nag-aral sa grade one. Nanguna siya sa klase mula sa unang baitang ng mababang paaralan hanggang sa matapos sa hayskul noong 1951.
Hindi lamang sa pagsulat ng tula nagpamalas ng pambihirang kakayahan si Ben (palayaw sa kanya), kundi maging sa pagsulat ng sanaysay – sa Ingles at Pilipino. Nasa unang taon lamang siya ng high school nang mapiling “Best Theme IV” ang obra niyang “My First Detective Experience”, at nasa ikalawang taon siya nang makasulit sa eksaming ibinibigay ng “The Republic”, ang pahayagang tagapamansag ng Bulacan High School – upang manging pinakabatang kagawad ng editoriyal staff. Siya ang Pilipino Editor ng “The Republic” nang magwagi siya ng medalyang ginto sa pagsulat ng editorial (Pilipino) sa Secondary Schools Press Conference na ginanap sa Iloilo noong 1950.
Nasa ikalawang taon na siya ng hayskul nang magsimulang makilala ang pangalan ni BAR sa Panitikang Pilipino – nang malathala sa mga pangunahing magasin noon – Liwayway, Ilang-Ilang, Sinagtala – ang mga tula niyang ang ilan ay napasama na kaagad sa mga aklat-pampaaralan.
Bagamat nagtapos sa hayskul nang may karangalan, hindi agad siya nakapag-aral sa kolehiyo bunga ng kahirapan. Totohanan nang hinarap ni BAR ang pagsusulat, ngunit hindi lamang ng tula. Ang unang maikling kuwento niyang nalathala sa magasing Liwayway (“Pakikipagtunggali”) ang siya na ring pinagbatayan upang siya’y kuning kagawad ng pamatnugan ng Liwayway noong 1959. Bilang kagawad ng pamatnugan, kay BAR ipinagkatiwala ang pagsusuri sa mga tula at kuwentong padalang-tulong ng mga manunulat at makata mula sa labas. Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa gabi sa FEU (AB Journalism), at sa “Advocate”, ang tagapamansag ng FEU, inilathala niya ang isang tulang umani ng papuri ng kritikong si Alejandro G. Abadilla.
Sipiin natin ang ilang saknong ng tulang “Ako’y Isang Ilog” (FEU Advocate, 1963) na sinulat ni BAR:
Nagsimula nang madama ang lamig Ng dugo kong agos, Kasi, ang buhay ko’y pakati nang ilog. Ang daloy ng sigla Ay hindi mapigil sa pagsusumugod – Ibig nang sumanib sa puntod kong laot.
Sa aking pagbabaw, Iyong mamamalas ang pangit kong anyo – Lilitaw ang tuod niring pagkabigo! Wala na ang linaw Ng kabataan kong lumabo sa bugso Ng dusang nagbanlik sa bukas kong lundo.
Kapansin-pansin sa mga tula, maikling kuwento, nobela, at sanaysay ni BAR ang kanyang may pagka-mapaghimagsik na pagtingin sa lipunan, sa umiiral na kawalang-hustisya, at sa mga lider na may kaisipang makadayuhan. Ang makabayang mga tula’t maikling kuwento niya, kasama ang mga lathalain niya tungkol sa kabayanihan nina Marcelo H. del Pilar, Hen. Gregorio del Pilar, Dr. Rizal at iba pang dakilang Pilipino ay kinilala ng pamahalaang-lungsod ng Quezon nang gawaran siya ng isang sertipiko at tropeo ng pagkilala sa pagdiriwang ng “Linggo ng Wika” at Kaarawan ng Pangulong Quezon noong 1983.
Maging sa pagsulat ng tula, maikling kuwento, artikulo at nobela ay kapansin-pansin ang malalim na pilosopiya at paggamit ng simbolo ni BAR, na naging batayan ng pagwawagi niya sa dalawang sunod na taon ng “Grand Opinion Award” mula sa Catholic Mass Media Award (1978, 1980). Bago ito, nagtamo na siya ng apat na gantimpala sa pagsulat ng sanaysay na itinaguyod ng Surian ng Wikang Pambansa (1974, ’75, ’76, ’77).
Ang pagmamahal at pangangalaga ni BAR sa matandang kultura, na itinuturing niyang pamana sa bansa ng panahon at kasaysayan ay nahahayag sa isang kuwento niyang pinamagatang “Matandang Bahay” (Liwayway, Oktubre 9, 1961). Sipiin natin ang isang talata ng kuwentong ito, na umaantig sa sentimentalismo ng mga Pilipino:
Napabuntunghininga siya. Aywan niya kung ano ang iisipin niya. Hindi niya maunawaan ang pagtutol ng kanyang ina, na ipagiba ang matandang bahay nila, ay magpatayo sila ng bago at higit na maganda. Mulat siya sa makabagong panahon, at gusto niyang pagtawanan ang pagpapahalaga pa ng kangyang ina sa mga bagay na luma, pangit at sa palagay niya’y naiwan na ng panahon.
Malaki ang naging impluwensiya kay BAR ng pagkakasilang niya sa isang makasaysayang bayan, tulad ng Malolos – sa pagkikimkim niya ng damdamin at kaisipang malaya, may katutubong malasakit sa sariling kultura, kasaysayan ay wika. Naging malaking katulong siya ng kababayan at noo’y punong patnugot ng pinaglilingkuran niyang magasing Liwayway, Jose Domingo Karasig, sa pagtatatag at pagpapalaganap ng “Kapisanan ng mga Alagad ng Wikang Pilipino” (KAWIKA) – pambansang kilusang naglalayong mapabilis ang pagpapalaganap ng Wikang Pambansa, na batay sa Tagalog. Kasama siya sa nagtatag noong 1957 ng “Kapisanang Panulat at Wika”, na naging ika-13 Balangay ng KAWIKA, na binubuo ng mga makata at manunulat na Bulakenyo, at nagpasigla sa sining ng Balagtasan, na nananamlay na noon. Tatlong ulit na naging Pangulo si BAR ng “Kapisanang Panulat at Wika na lumaganap sa buong Bulakan. Siya rin ang kasama ni Clodualdo del Mundo bilang tagapagsalita, tagapanayam sa mga pagtitipong pangwika at pangliteratura sa iba’t ibang kolehiyo at pamantasan sa Metro Manila.
Patuloy na umani ng mga tagumpay sa mga timpalak-panitik at ng pagkilala ng mga kritiko sa iba-ibang sangay ng Panitikang Pilipino – sa pagsulat ng tula, kuwento, nobela, sanaysay, artikulo – si BAR ang isa sa tatlong kagawad ng magasing Liwayway ng nagtatag ng pahayagang “Balita” bago idineklara ni Marcos ang Martial Law noong 1972. Bagama’t nanatiling malaya at “mapaghimagsik” ang kanyang kaisipan at panulat, kinilala ni Marcos ang galing ni BAR nang sa kanya ipasalin noong 1978 sa Pilipino ang aklat na sinulat ni Marcos, ang “The Democratic Revolution in the Philippines”. Siya rin ang madalas sangguniin ng Surian ng Wikang Pambansa (Komisyon ng Wikang Filipino ngayon) – tungkol sa wasto at matatandang salitang Tagalog, lalo na ang may kaugnayan sa matandang kultura; siya rin ang naging palagiang “resource peson” ng Kagawaran ng Edukasyon sa taunang Secondary School Press Confernce – sa mga paksang ukol sa pagsulat ng balita, editorial at lathalain sa Pilipino mula noong 1975.
Noong 1978, si BAR ay hinirang na editor-in-chief ng lingguhang Liwayway – ang huling Bulakenyong humawak ng posisyong ito sa pangunahing magasing Pilipino sa bansa. Naging patnugot din ng Liwayway sina Jose Esperanza Cruz (Baliuag), Catalino V. Flores (Pulilan) at Jose Domingo Karasig (Malolos).
Sa panahon ng kanyang pamamatnugot, nagsimulang magbagong-anyo ang magasing Liwayway – maging sa mga paksa at banghay ng mga tula, maikling kuwento, nobela, at lathalain – pagsunod sa mabilis na pagbabagong pangkultura, panlipunan at pampulitika sa bansa.
Sa unang pagkakataon, nagsimulang sumulat si BAR noong 1978, ng editorial-opinyon sa Liwayway, “Ang Pinag-uusapan Ngayon”. “Ang Pinag-uusapan Ngayon”, na may tipong pagpuna sa rehimeng martial law ni Marcos, ay sumailalim sa pagsubaybay ng pulisya ay militar – naging dahilan upang bigyan ng “babala” si BAR – sa kanyang matalim na panulat. “Ang Pinag-uusapan Ngayon” ay magkasunod na taong ginawaran ng “Grand Opinion Award” ng Catholic Mass Media Award noong 1978-1980. Ngunit ito rin ang naglagay sa kagipitan kay BAR at bunga ng isang karamdaman, napilitang mamahinga (optional) si BAR bilang punong-patnugot ng Liwayway noong 1982 sa gulang na 48 taon lamang.
Gayon man, hindi tuluyang namahinga si BAR bilang makata, manunulat at peryodista – patuloy siyang nagsulat ng tula, maikling kuwento, nobela sa Liwayway at sa anyo ng mga pocketbook, at nagsulat ng kolum sa “Balita”, sa “Diario Uno”, at sa mga pahayagang pangkomunidad, tulad ng “The Reflector”, “Luzon Times”, “Mabuhay”, “Punla” at iba pa. Nagsulat din siya sa Ingles ng mga tula at lathalain noong 1980 sa “WHO Magazine”at sa mga magasing “Panorama” (supplement ng Manila Daily Bulletin).
Lahat yata ng parangal at pagkilala mula sa iba-ibang samahang sibiko, pangwika, pampanitikan, ay tinanggap na ni BAR— dahil sa malaking naiambag niya sa larangan ng panitikan at peryodismong Pilipino at tumanggap siya ng mga pagkilala at parangal. Ngunit ang itinuturing niyang pinakamahalaga ay ang parangal at pagkilalang tinanggap niya mula sa pamahalaang panlalawigan ng Bulakan, na naggawad sa kanya ng karangalang “Dangal ng Lipi” noong 1990 at “Gawad Plaridel”—Lifetime Achievement Award noong 2005.
Nagsulat na siya ng may 300 maikling kuwento, may 12 nobelang prosa, 200 nobelang isina-pocketbook, bukod sa may 500 tula, 100 balagtasan, na isinahimpapawid ng Cultural Center of the Philippines na sadyang kumuha kay BAR upang sumulat ng script ng balagtasan. Tatlong nobela niya ang isinalin sa pelikula, at karamihan sa kanyang mga piling tula, maikling kuwento, sanaysay, balagtasan ay nagwagi sa mga timpalak-panitik at napasama sa mga aklat-pampaaralan. Nagsulat din ng drama, comics strip, teleplay at iba pa.
Dapat sana ay namahinga na lamang si BAR sa piling ng tinamo niyang mga pagkilala, parangal at sertipiko ng pawawagi sa mga timpalak panitik, ngunit marami ang humiling na magsulat siya ng kolumn sa mga pahayagang lokal sa Bulakan. Noong 2003, siya’y hinirang ni Gobernador Josie M. dela Cruz bilang Culture and Arts Assistant.
Samantala, noong 2004, ay isinaaklat ng Ateneo de Manila University ang “May Tibok Ang Puso ng Lupa”, nobelang sinulat ni BAR, at nagwagi ng unang gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng nobela na inilunsad ng Samahang Balagtas at Surian ng Wikang Pambansa noong 1978. Ang “May Tibok Ang Puso ng Lupa” ay napiling pangalawang pinakamagaling na aklat s pagdiriwang ng National Book Week. Ang nobelang ito rin, kasama ng marami niyang sinulat na tula, balagtasan, maikling kuwento, sanaysay ang naging batayan upang pagkalooban si BAR ng “Gawad Balagtas” ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL)—sa pagdiriwang ng ika-30 Kongreso ng UMPIL na idinaos sa Unibersidad ng Pilipinas noong Agosto 28, 2004. Kaugnay ng karangalang ito, pinagkalooban si BAR ng plake ng pagkilala ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulakan, at ng Sangguniang Lunsod ng Malolos nang taong nabanggit.
Hindi nagpabaya ang kanyang alma mater—sa pagdiriwang ng ika-100 taong pagkakatatag ng Bulacan High School (ngayon ay Marcelo H. del Pilar National High School), si BAR ay pinagkalooban ng parangal bilang isa sa mga namumukod na nagtapos sa nasabing mataas na paaralan sa loob ng isang siglo. Ang parangal ay ginawa noong Marso 26, 2006—sa Marcelo H. del Pilar High School sa Lunsod ng Malolos.
Ang lubos at walang pasubaling pagkilala at pagpapahalaga sa talino, kakayahan ni BAR sa larangan ng panitikan ay peryodismo ay ipinagkaloob sa kanya ng pamahalaang panlalawigan ng Bulakan—sa pagdiriwang ng Araw ni Del Pilar noong 2005 ang “Gawad Plaridel” Lifetime Achievement Award at “Gawad Marcelo H. del Pilar” noong 2009.
Isa na lamang ang pangarap ni Bienvenido A. Ramos—ang matamo ang karangalang “Pambansang Alagad ng Sining” (National Artist) sa Panitikan—na dapat lamang na matamo niya sa laki ng naiambag niya sa pag-unlad ng kultura at sining, particular ay ang Panitikang Pilipino.
Marahil kung magagawa lang niya, hiniling pa niya madagdagan pa ang kanyang hiram na buhay upang ipagpatuloy ang pagpupunygi niya sa buong sambayanan ang tikas, ganda ng panitikan na dapat lamang ipagmalaki nating mga Pilipino at masumpungan ng balana na ipagpatuloy ito at lalo pang pag ibayuhin ang pagmamahal dito.
Si BAR sa kanyang gulang na 78 ay itinakda na sa kanyang huling panahon ng ating Panginoon. Bago ang Abril 24, 2012, ng kanyang paglisan, ay may pag amin sa kanyang sarili na ganap na niyang natapos ang kanyang layuninsa kanyang hiram na buhay.
Monday, April 12, 2010
GLOBAL WARMING: Kababalaghan o Katotohanan?
GLOBAL WARMING
Kababalaghan o Katotohanan?
Ni Bienvenido A. Ramos
SA mga mapamahiin at matatakutin, ang pagbabago ng klima at ang abnormal na takbo ng panahon, tulad ng El Niño o La Niña, ay itinuturing na “phenomenon” o kababalaghan at ipinalalagay na tandang malapit nang gunawin ng Diyos ang mundo, o may sisiklab na digmaan o lalaganap na salot. Kapag mapula ang lubugan ng araw, ibig sabihin ay may darating na bagyo.
Ang napakahabang tag-init nitong nakaraang limang buwan at ang matinding alinsangan sa gabi—kahit nitong Hunyo, na tradisyunal na simula ng panahon ng tag-ulan—ay itinuturing ng karaniwang tao na karaniwan at di dapat pansining pagbabago ng panahon.
Pero sa mga siyentipiko, ang mga “pagbabago” na ito sa klima ay babala ng isang malaking kalamidad na may saklaw na pandaigdig at hindi dapat ipagwalambahala. Hindi ito isang phenomenon o kababalaghan, ito ay isang krisis, nagdudumilat na katotohanan na ang mundo ay nahaharap sa isang krisis na tinatawag na “GLOBAL WARMING!”
Ayon sa mga scientist, ang matinding init na bumabalot ngayon sa mundo ay likha ng pagbuga ng “greenhouse gases”—partikular ay carbon dioxide o CO2, methane at nitrous oxide. Ang greenhouse gases na ito ay nagmumula naman sa usok, pollutant coal (karbon o uling), na ginagamit sa mga planta at pabrika ng mga industrialisadong bansa, tulad ng
Ayon sa mga siyentipiko, dahil sa pagkaipon ng greenhouse gases na ito sa atmosphere o kalawakan ng mundo, ang enerhiya mula sa sikat ng araw ay hindi makapaitaas sa outer space o rurok ng kalawakan—kaya naiipon sa ibabaw ng mundo ang init. Ayon sa pananaliksik na pang-agham, taun-taon ay nararagdagan ng 0.6 degrees Celsius ang init sa ibabaw ng daigdig.
Ang global warming o pag-iinit ng mundo, kung hindi mapipigil, ay lilikha o lumilikha na ng mga pagbabago sa klima, tulad ng El Niño o mahabang tagtuyot at ng malalakas na pag-ulan at pagbaha, na tinatawag namang La Niña.
Ayon sa mga scientist, kapag hindi nabawasan ang ibinubugang greenhouse gases mula sa mga planta at pabrika ng mga industriyalisadong bansa, hindi magtatagal, ang sobrang init na naiipon sa mundo. Ay magiging sanhi ng pagkalusaw ng mga bundok ng yelo at niyebe na magpapaapaw sa mga karagatan at magiging sanhi ng paglubog ng mga lupang nasa baybay-dagat, lalo na sa mga archipelago tulad ng Pilipinas.
ANG KONTRIBUSYON NG PILIPINAS
AYON din sa mga siyentipiko, lubhang maaapektuhan ng global warming ang mga kalupaan ng Aprika, Timog Amerika, ang Himalayas, Malaysia, Indonesia at Pilipinas. At bagamat hindi maihahanay sa mga industriyalisadong bansa ang Pilipinas, ang estilo ng pamumuhay at ang pamamayani ng kultura ng katiwalian at pandaraya dito ay may malaki ring kontribusyon sa global warming, sa kalahatan, at sa pagkawasak ng kalikasan at kapaligiran ng bansa, sa partikular. Bugbog sa mga likas na kalamidad ang Pilipinas, lalo sa bagyo at lindol, pero maraming kalamidad na gawang tao, likha ng kasakiman ng tao, ang nagdudulot ng malaking pinsala sa mga Pilipino.
Sa paggunita sa Earth Day noong nakaraang Abril 22, nagpalabas ng ulat at estadistika ang Department of Environment and Natural Resources ukol sa “kontribusyon” ng Pilipinas sa global warming at sa pagkasira ng kalikasan at kapaligiran.
Inamin ng DENR na grabe ang polusyon sa lupa, tubig at hangin sa maraming pook sa bansa, partikular sa mga lunsod ng
Sa mababang paaralan pa lamang ay natutuhan na ang halaman o punongkahoy ay sumisipsip ng carbon dioxide (panluto sa kanyang pagkain), at nagtatapon ng oksiheno na kailangan naman sa kalusugan ng tao.
Natutuhan din na ang mga ugat ng punongkahoy ay nagtitinggal ng tubig-ulan, bukod sa nakakapit sa lupa. Patayin o putulin ang halaman o ang punongkahoy ay ano ang ibubunga? Malaking baha, gaya ng pumatay sa may 2,000 katao sa Ormoc, Leyte, at landslide o pagguho ng lupa at putik, na tumabon sa buong Barangay Ginsaugon sa St. Bernard, Southern Leyte—na hanggang ngayon ay hindi pa matiyak kung ilang libo ang nalibing nang buhay.
Parang mahirap paniwalaan na ang may 19 na milyong ektaryang kagubatan sa Pilipinas noong 1920, ngayon ay 7.2 milyong ektarya na lamang! Bunga nito, napilitang magpatibay ang Kongreso ng isang batas na tahasang nagbabawal ng pagtrotroso, pero hindi naman naipatutupad ito. May isang taon pa lamang ngayon, sinagasa ng tila bulldozer na mga baha, na may kasamang malaking putol na troso ang ilang bayan sa Quezon, Zambales at Aurora.
Kaugnay nito, sistematiko rin ang pagwasak sa mga baybay-dagat ng mga tanim na bakawan; sa paglipol sa mga isda at iba’t ibang lamang-dagat sa mga lawa at golpo sa pamamagitan ng paggamit ng lason, dinamita at ng ipinagbabawal na galadgad (baby trawl).
Idagdag pa rito ang pagtatambak ng basura at “human at chemical wastes” ng walang disiplinang nangakatira sa mga estero at baybay ng ilog Pasig at ng Manila Bay, hindi na nakapagtataka kung sa pana-panahon ay sinisira ng pagpasok ng “red tide” ang pinaghahanapbuhayan ng mga nag-aalaga ng talaba, tahong at iba pang kabibe.
ANO ANG GINAGAWA NG PILIPINAS?
MAGING sa mga problemang ang nakataya ay seguridad at pambansang pangkalusugan, umiiral pa rin ang pulitika. May ilang taon na ang nakararaan, ang naalarmang Kongreso—sa mabilis na pagkapanot ng mga bundok at kagubatan—ay nagtangkang magpatibay ng batas na lubusang magbabawal sa pagtrotroso—kahit sa loob man lang ng 10 taon; na tatambalan ng pagtatanim uli ng mga puno sa nakalbong gubat at bundok. Ngunit ang pagbabawal (total o partial log ban man) ay madaling napalulusutan ng mga masisibang logging concessionaire. Ang pagiging inutil ng nasabing batas ay nabunyag nang humampas ang ilang “super typhoon,” tulad ni “Reming” sa ilang bayan sa Quezon. Sinasagasaan ang mga ito ng malalaking baha, na may tangay na malaking trosong mula sa kalapit na mga bundok.
Nagpasa rin ng Clean Air Act ang Kongreso bilang tugon sa pagkalat ng sobrang polusyon sa hangin mula sa buga ng usok ng may daanlibong sasakyan sa Metro Manila lamang. Ang unang naapektuhan ng batas na ito ay ang tatlong halimaw na kompanya ng langis—Caltex, Shell at Petron. Kailangan nilang salain ng husto upang alisin ang tingga sa ibinebenta nilang langis. Dagdag na gastos iyon para sa tatlo. At ang kaso, tulad ng batas contra pagtrotroso, ang Clean Air Act ay inutil din. Patuloy ang pag-angkat ng mga Pilipino ng segunda manong trak at bus, na mangyari pang nagdadagdag ng buga ng greenhouse gases at nagpapatindi, sa halip na makabawas, sa global warming.
Ngayon, patuloy sa paghahanap ng “alternate fuel” o panggatong o enerhiyang hindi magpaparumi sa hangin. Nagsisimula na ring tumuklas ng tinatawag na “bio-fuel” mula sa mga katutubong halaman tulad ng niyog. Pinag-aaralan na rin ang paggamit ng tubig bilang enerhiya o “fuel”,at iba pang “fuel” na walang gaanong usok na magdaragdag ng polusyon—at mura pa.
Ayon kay U.S. Ambassador Kristie A. Kenney, sa pagbaka sa global warming ay kailangan ng mga Pilipino ang magbawas, magtipid, mag-recycle at baguhin ang estilo ng pamumuhay.
Ang totoo, apektado ng global warming ang lahat—mayaman o mahirap. Nararanasan na ng lahat ngayon pa lang ang mapaminsalang epekto ng global warming sa pagbabago ng klima—sa nakaririnding init kahit nagsisimula na ang tag-ulan; sa namimintong pagsasalat ng tubig; sa pagdating ng El Niño o La Niña, at sa pagkapinsala ng pagsasaka sa mga lalawigang malakas mag-ani ng palay, mais at gulay.
PAGKAMULAT SA PANGANIB NG GLOBAL WARMING
NOONG una, nakararami pa sa mga Pilipino ang hindi nababahala sa panganib na idinudulot ng global warming—ang kapansin-pansing pagbabago ng klima. Ang matinding alinsangan sa dating malalamig na buwan ng Disyembre hanggang Pebrero (2007). Ang matinding lamig naman nitong Pebrero at Marso (2008), na dapat ay nasa kainitan na ang tag-araw. Ang ilang linggong panay na pag-uulan sa Kabikulan, lalo na sa Silangang
Ang pagkamulat sa panganib ng global warming ng mga Pilipino ay waring hindi sinasadya. Bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis (gasolina), natutong maghanap ang nababahalang mamamayan ng pamalit sa enerhiya—na walang ibinubugang usok na nakalalason. Sa Ilokos, gumagamit na ngayon ng windmill sa maraming bayan—lakas na mula sa hangin. May nakatuklas din ng mga sasakyang mapapatakbo ng tubig. Sa Kongreso, nagpasa ng batas ukol sa paggamit ng biofuel—mula sa langis na makukuha sa tubo, tangan-tangan, niyog, at iba pa.
Sa isang survey na isinagawa ng isang pandaigdig na ahensiya- ang ACNielsen (Online Consumer Opinion Survey), na ipinakita sa Internet, napag-alamang sa may 47 bansang hiningan ng opinion tungkol sa global warming, 94% sa may 503 Pilipinong respondent ang nagsabing alam nila ang panganib ng global warming. Nabasa sa diyario o napanuod sa TV.
Sa ano mang kilusang laban sa pagpinsala sa kalikasan at kapaligiran ay hindi nagpapahuli ang mga Bulakenyo. Noon pa mang 1950’s, nagprotesta na ang mga Bulakenyo laban sa pagtatayo ng mga illegal na palaisdaan sa baybay-look ng Maynila—sa bahagi ng dagat na sumasaklaw sa mga bayan ng Obando, Bulakan, Malolos, Paombong at Hagonoy. Kasunod nito ang pagdaraos ng rally laban sa paggamit ng galadgad (baby trawl) at dinamita sa pangingisda—na bukod sa humuhuli ng mga similya ng isda at ibang lamandagat, ay sumisira pa sa mga katutubong tirahan at pagkain ng mga isda. Noong mga 1980 (bago sumiklab ang Edsa Revolution), ilang buwan ding nagprotesta ang mga aktibistang Bulakenyo—para ipasara ang dalawang planta ng alcohol sa Apalit, Pampanga, na ang tapong kemikal sa ilog na palabas sa Manila Bay ay puminsala sa maunlad nang industriya ng pag-aalaga ng sugpo sa Hagonoy at sumira rin sa mga sakahang nasa baybay-ilog.
Isang panahong ang mga ilog sa Bulacan, lalo na ang nasa dakong Timog-Silangan ng lalawigan ay nakukunan ng malinis na tubig, sagana sa mga isda at hipon. Ngunit sa pagdaan ng panahon, sa pag-unlad ng ilang bayang karatig ng Maynila, ang mga ilog ay naging tambakan ng basura—nakalalasong basura mula sa kultihan ng katad at mga lusaw na metal mula sa ginto, sa Meycauayan. Ang pagsulong umano—nang walang pagsubaybay ng gobyerno—sa pagpapabaya na rin ng mamamayan—ang unti-unting pumatay sa mga Ilog na magkakakawing ng mga bayan ng Marilao, Meycauayan at Obando. Bukod sa mga plantang nagtatapon ng chemical wastes sa mga ilog na nabanggit, masisisi rin ang mga nagsisipanirahan sa tabi ng mga ilog na ito—na nagtatapon hindi alam ng basurang plastic—kundi maging ng mga dumi ng tao at hayop.
Ang nakakalungkot, na napabilang tuloy ang mga ilog na ito sa 30 pinakamaruruming ilog sa mundo—isang nakakahiyang dungis sa maganda at marangal na pangalan ng Bulacan—bilang pangunahing lalawigan sa Pilipinas!
“Kailangan ang lubos na pagtutulungan ng mamamayan at ng pamahalaan,” iyan ang diwa ng mensahe ng mga opisyal na nagsidalo sa pulong na itinawag noong Pebrero 20, 2008 ni DENR Secretary Lito Atienza—sa layuning itatag ang Water Quality Management Area. Ang WQMA ay naglalayong opisyal na pangasiwaan ng Department of Environment and Natural Resources ang paglilinis at pangangalaga sa mga kailugang ito ng Marilao, Meycauayan,-Obando, sa tulong ng pribadong organisasyon at ng mamamayan.
PATAKARAN NG GOBYERNO, DAPAT BAGUHIN
MARAMI ang nakapapansin sa tila pagkakasalungatan ng mga patakaran ng gobyerno—sa pagsulong ng ekonomiya at sa kaalinsabay na pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang kontradiksiyon ay nasa lubusang pag-aanyaya ng pamahalaan sa mga puhunang dayuhan—na ang pinakatampok ay ang pagbibigay ng lahat ng kaluwagan sa mga foreign investors, na linangin ang mga likas na yaman ng bansa—tulad ng pagmimina ng ginto, tanso, bakal at iba pang mineral. Ang pagmimina ay mangyari pang may kasunod na pagtatayo ng mga planta—at ang mga plantang ito ay magtatapon naman ng chemical wastes, metal tailing—na lalason sa ilog at kalupaang nasa paligid. Tulad ng nangyari sa ginawang pagmimina ng kompanyang Marcooper sa Marinduque noong 1950’s hanggang ngayon ay nakapag-iwan pa ng matinding lason sa mga kailugan sa Marinduque—na nagdulot ng sakit sa tao at hayop—at pumatay sa kapaligiran. Ito rin ang sanhi ng patuloy na protesta ng mga residente sa Bicol—na pinagmiminahan ng kompanyang Lafayete.
Ayon sa isang pandaigdig na pananaliksik, ang global warming ay nagtutulak sa mundo sa bangin ng pagkagutom sa di malayong hinaharap. Apektado ng pagbabago-bago ng klima ang produksiyon ng pagkain ng maraming bansa, at diyan ay nangunguna ang Pilipinas. Sa tulong ng manipulasyon at mga tiwaling kasunduan, paliit nang paliit ang lupang sakahan sa Pilipinas—sa isang maling hangaring maging industriyalisado (sa tulong ng puhunang dayuhan) ang isang bansang ang ekonomiya ay nakasalig sa pagsasaka. Ang mga lupang sakahan ay ginagawang komersiyal at industriyal—pinagtatayuan ng mga plantang gumagawa ng kosmetiko, appliances, kotse at ibang karangyaan ng modernong pamumuhay. May mga dayuhang nagsipagtayo ng golf course, spa, baseball field—sa lupang dapat sana ay pinag-aanihan ng palay, mais, gulay, atbp. Sa ibang bansang ngayon ay nagluluwas ng bigas at ibang produktong pansakahan, ang kanilang pamahalaan ang may subsidy o suportang pinansiyal sa mga magsasaka. Dito, ang mga magsasaka, na dapat sanang mabiyayaan ng pagpapatupad ng Malawakang Reporma sa Lupa, ay ni hindi mapautang ng pamahalaan. Matatandaang ang abono, na sana’y ipamamahagi sa mga magsasaka, ay kung kani-kanino lang ipinamigay ni Undersecretary Jocjoc Bolante ng Pagsasaka—bilang pamimili ng suporta ni GMA sa eleksyon noong 2004.
Sa pagtutuos, ang maling direksyon ng pagsusulong (umano) ng ekonomiya—ay walang kinahinatnan—kundi ang mabaong lalo sa utang ang Pilipinas, lumaganap ang kahirapan at gutom sa nakararaming masa ng mamamayan, magpasasa ang mga kapitalista at negosyanteng lokal at dayuhan. Ngayon, ni hindi masasabing industriyalisado ang Pilipinas, at bagama’t isang bansang ang ekonomya ay nakasalig sa pagsasaka—ay nahaharap sa taggutom, umaangkat ng mga pangangailangang dapat sana ay saganang inaani, at kung maaari ay nailuluwas pa sa ibang bansa.--●
The Vanishing Art of Balagtasan
The Vanishing Art of the BALAGTASAN
Modern technology is slowly ringing the death knell for the balagtasan, a poetical joust initiated by pre-war poets in memory of Francisco Baltazar or Balagtas, acclaimed “king” of Tagalog poets and author of the classic awit (metrical romance) Florante at Laura. Ironically, the vehicle that should have catapulted the balagtasan to posterity was the very same one that hit and maimed it, leaving this literary form a ghost of its previous self. First it was the radio, then the movies, and now television. These three “miracles” of mass communication have either dissipated or killed outright the Filipino’s interest in the balagtasan.
My grandfather used to relate how the balagtasan would enthrall the barrio folk of his day. For lack perhaps of the means of entertainment, the balagtasan dominated the scene in the 1930’s. No fiesta or celebration in those times would be called successful without it. Poets like Jose Corazon de Jesus (“Batute”) and Florentino Collantes were accorded hero-worship. People, young and old alike, followed these two “superstars” wherever they held tournaments-in stadium, on makeshift stages, and even in cockpits.
“Jose Corazon de Jesus (Batute) was the better one,” my father appraised. Collantes was excellent in satire, but Batute had grace in delivery, not to mention charismatic good looks.”
Jose Corazon de Jesus, proclaimed “Hari ng Balagtasan” died in 1932, Collantes inherited the crown, but was subsequently assailed by plucky contenders. But this only served to whet the public’s-----------for more rousing debates, adding luster and fame to the mambabalagtas.
Interest in the balagtasan was fired by the late Lope K. Santos, author of the first grammar book Balarila. A politician, Santos was appointed governor of Nueva Vizcaya and eventually elected senator. His masterpiece, “Banaag at Sikat,” evidences social awareness and is the prototype of later socialist works.
Almost always, the balagtasan covered topics of social significance. The tide of nationalism, spurred by the likes of Quezon, Osmeña, and Recto had overflowed into other realms. The balagtasan proved to be an effective venue to air prevailing patriotic sentiments. Questions like, “Alin ang higit na dapat dakilain, bayani kahapon o bayani ngayon?” were openly debated with gusto.
After his election as President of the Commonwealth, Quezon encouraged the holding of balagtasan jousts on such occasions as Labor Day or on the commemoration of the Cry of Pugadlawin. Cash prizes and awards for winners, whether writing or orally delivered, were given by the government.
The poets or mambabalagtas were literally mobbed by the people as soon as they stepped on the hurriedly-erected stage near the glorieta or the patio of the barrio chapel. Since the public address system was still a rarity, the mambabalagtas argued at the top of their lungs. Domingo Raymundo, a bitter rival of (‘Batute’), and subsequently of Collantes had a powerful voice that could reach several decibels. Resembling a Negro, with his swarthy complexion and white curly hair, he was usually the butt of jokes and ridicule of rude listeners. But the hot-tempered Raymundo would get even with his hecklers through magnificient counter-strokes of his plosa (impromptu verse). He would say:
“Bakit kayo humahalakhak, bakit kayo nagtawanan?
Kayo ba’y nakakita ng payaso sa tanghalan?”
Most often “Batute” and Collantes, and later Collantes and Raymundo, would often disregard the prepared script, ask for the crowd’s instant choice of topics, and proceed with their poetic wranglings.
This unique way of debating in verse had its roots in the so-called duplo. In reality, balagtasan is the expanded and more sophisticated form of the duplo. A duplero turned mambabalagtas has the skill, the cunning, the sharp wit mastered from years of reading the corridos and duplos of earlier bards, and polished in the usual dupluhan held during wakes or intimate gatherings. For added thrills, duplos from other towns and barrios were pitted against each other as if they were fighting cocks.
But duplo is slightly different from the balagtasan that it is shorter, its subjects
Thursday, December 31, 2009
Tatak Bienvenido
DALAWANG librong tiyak na ipagmamalaking maging bahagi ng inyong aklatan...
AKDA ng kilala at premyadong makata, kuwentista, nobelista, at mamamahayag, naging editor-in-chief ng Liwayway magazine...BIENVENIDO A. RAMOS +++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
"MAY TIBOK ANG PUSO NG LUPA"
__________________________
___________________
Unang gantimpala sa timpalak sa pagsulat ng nobela ng makatulong na itinaguyod ng Samahang Balagtas/Surian ng Wikang Pambansa, 1977. Tumatalakay sa perenial na problema ng pagsasakahan, ang pagsipot ng warlordismo, at iba pang sakit ng lipunan na umiiral hanggang ngayon...
---------------------------------------------------------------------------------------"ANG BULKAN at iba pang kuwento"
______________________________________
________________________Katipunan ng mga piling kuwentong pumapaksa sa kasarian, at matapang na tumatalakay sa marahas na pagbabagong panlipunan--sa aspeto ng moralidad, kultura at katutubong mga kahalagang Pilipino--sa patuloy at mabilis na pag-unlad ng kabihasnan...
Isinalibro ng Ateneo de Manila University Press, ang tagapaglathala ng mga akdang may-uri sa Filipino at Ingles.
Wednesday, June 10, 2009
English poems
A BIRD WINGING TO ROOST
I looked out to the sea at dusk
Gazing at the setting sun,
A bit mesmerized by birds that flew
Westward (like dreams fatigued by long flight)
And now winging laboriously to roost.
I winced as I saw the rays grew pale
As if they vaporized into clouds
To cover the thinning ozone layer—
Fearlessly hugging the greenhouse gases
To defecate the anthroponic scourge of mankind.
The cheeks of the high tide-water have grown haggard,
The ocean’s breast has grown ice-cold;
The restless waves that wooed the rocks
Alas! Become tsunamis with deathly hug!
The panorama slowly fades away
From the dimming eyes of ancient fear—
Fear of the imponderables—
Where stakes that once stood as fish traps
Are now abandoned crosses in the rushing dusk.
When I gazed once more at the sun a-setting
What seemed to shudder, specter of my own shadow;
Emaciated hands that were once sturdy wings
That carried me up to Mt. Parnassus
(Where poets pay homage to the gods)
Now slowly closing, clutching
The twilight by its claws.
Written on Earth Day, April 2007
(Twenty five years after I retired
As editor-in-chief
Of Liwayway magazine)
IMPRESSIONS AT PARK AND WILDLIFE
ON BONIFACIO DAY, 1974
You arrived unheralded,
An uninvited guest at a lunch for two,
Under wild trees that sway
To the nearby cages of crying monkeys
Lamenting their lost freedom.
I felt your presence
In the absence of words—echoed by zephyr
Murmurring the pains of distant hills
That court the nearby lagoon.
Are you unwelcome
‘cause you disturb the tranquility
Of my heart recuperating from fresh wound?
Or you are welcome ‘cause you spur me
to make another try—that I may retrieve
my lost faith in love sincere?
The lunch for two was consummated,
The monkeys are still crying in their cages,
The distant hills are still courting the lagoon,
And I am still looking for a true love.
Phillipine Panorama
December 14, 1974
Tuesday, June 09, 2009
Isang Paanyaya
BIENVENIDO A. RAMOS
Poet, fictionist, novelist,
Essayist, playwright, scriptwriter,
Journalist, editor
Nagretiro ako (optional) bilang editor-in-chief ng magasing Liwayway, na pinaglingkuran ko na bilang kagawad ng pamatnugutan, naging literary editor hanggang sa maging punong patnugot noong 1978 at hanggang sa mamahinga bunga ng isang karamdaman noong 1982.
Nalahukan ko na ang lahat halos ng timpalak sa pagsulat—ng tula, maikling kuwento, dula, nobela, komiks, balagtasan, sanaysay, artikulo, at nanalo na ako sa lahat ng timpalak na ito. Sa ibang salita—sa loob ng 40 taon ay nagsulat ako, naging editor, translator, scriptwriter, speechwriter, playwright, at iba pa.
Ngayon ay malaya akong makata, manunulat at peryodista. At nag-aanyaya ako sa mga kapwa Pilipino at maging mga dayuhan, na magpasulat sila sa akin—sa wikang Pilipino o Tagalog—ng kanilang talambuhay (biography), kasaysayan ng pag-ibig, (love story) pakikipagsapalaran (adventure) lathalain—tungkol sa kalikasan (nature), kapaligiran (environment), global warming, kulturang Pilipino o kulturang dayuhan, o ano mang gusto nilang ipasulat—sa rima o prosa—sa akin.
Inuulit ko, sa wikang Pilipino ko susulatin ang ano mang gustong ipasulat sa akin ng sino mang tutugon sa paanyaya kong ito.
Narito ang aking blog spot: www.bienramos.blogspot.com